MGA PROGRAMA NG PINABABANG PAMASAHE NG THEBUS
Upang maging kwalipikado para sa isang Pinababang Pamasahe na HOLO Card, dapat mong matugunan ang isa sa mga sumusunod na kinakailangan:
● KABATAAN edad 6-17 taon (kinakailangan ang patunay ng edad). Kasama sa kabataan ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan hanggang 19 taong gulang na may balidong pagkakakilanlan ng mataas na paaralan o patunay ng pagpapatala. Kailangan ng Youth Fare Form. Makukuha ang mga youth card sa Satellite City Hall at Transit Pass Office.
● SENIOR CITIZEN edad 65 o mas matanda, dapat magbigay ng balidong photo ID na may petsa ng kapanganakan gaya ng lisensya sa pagmamaneho, Iniisyu ng Estado na pagkakakilanlan o passporte. Kailangan ng Senior Fare Form. Ang mga Senior HOLO card ay makukuha sa mga Satellite City Hall at Transit Pass Office.
● CARD NG MAY KAPANSANAN kinakailangan ng patunay ng isang pisikal o mental na kapansanan sa pamamagitan ng pagkumpleto at pagsusumite ng Disability Application Form,
na may kasamang sertipikasyon ng isang Healthcare Professional na lisensyado sa Estado ng Hawaii. Kinakailangan din ang balidong photo ID na inisyu ng gobyerno. Makukuha ang mga HOLO Card ng may Kapansanan sa Transit Pass Office. Ang pinababang pamasahe ng Pansamantalang May Kapansanan ay magtatapos kapag natapos ang takdang panahon na inireseta ng tagapagkaloob ng Pangangalaga sa kalusugan. Dapat na i-renew ang Card ng Permanenteng May Kapansanan bawat 4 na taon.
● U.S. MEDICARE CARD (pula/puti/asul) Ang HOLO Card ay makukuha sa Transit Pass Office lamang. Ang card ay maaaring i-renew tuwing 4 na taon. Kailangan ng U.S. Medicare Form.
● THEHANDI-VAN HOLO Card ay para sa mga karapat-dapat na pasahero na bumibili ng bus pass o gumagamit ng isang naka-imbak na halaga sa pinababang singil. Hindi maaaring lumampas sa pagiging karapat-dapat ang TheHandi-Van HOLO Card bus pass sa TheHandi-Van.
Paki-tandaan na ang lahat ng dokumentasyon ay dapat na may kasamang balidong photo ID na iniisyu ng Gobyerno na may kasamang petsa ng kapanganakan.